Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 155)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 155

فَبِمَا نَقْضِهِمْ مِيثَاقَهُمْ وَكُفْرِهِمْ بِآيَاتِ اللَّهِ وَقَتْلِهِمُ الْأَنْبِيَاءَ بِغَيْرِ حَقٍّ وَقَوْلِهِمْ قُلُوبُنَا غُلْفٌ ۚ بَلْ طَبَعَ اللَّهُ عَلَيْهَا بِكُفْرِهِمْ فَلَا يُؤْمِنُونَ إِلَّا قَلِيلًا 155 ١٥٥

Kaya [isinumpa sila] dahil sa pagkalas nila sa tipan sa kanila, sa kawalang-pananampalataya nila sa mga tanda ni Allāh, sa pagpatay nila sa mga propeta nang walang karapatan, sa at pagsabi nila: “Ang mga puso namin ay binalot,” bagkus nagpinid si Allāh sa mga ito dahil sa kawalang-pananampalataya nila kaya hindi sila sumasampalataya malibang kaunti. (155)

Tafsīr
Kaya nagtaboy Kami sa kanila mula sa awa Namin dahilan sa pagkalas nila sa kasunduang binibigyang-diin sa kanila at dahilan sa kawalang-pananampalataya nila sa mga tanda at paglalakas-loob nila sa pagpatay sa mga propeta at sa pamamagitan ng pagsabi nila kay Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya: "Ang mga puso namin ay nasa isang panakip kaya hindi nakatatalos ang mga ito ng sinasabi mo." Ang usapin ay hindi gaya ng sinabi nila, bagkus nagpinid si Allāh sa mga puso nila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila kaya walang umaabot sa mga ito na kabutihan kaya hindi sila sumasampalataya maliban sa pananampalatayang kaunti na hindi nagpapakinabang sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba