Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 162)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 162

لَٰكِنِ الرَّاسِخُونَ فِي الْعِلْمِ مِنْهُمْ وَالْمُؤْمِنُونَ يُؤْمِنُونَ بِمَا أُنْزِلَ إِلَيْكَ وَمَا أُنْزِلَ مِنْ قَبْلِكَ ۚ وَالْمُقِيمِينَ الصَّلَاةَ ۚ وَالْمُؤْتُونَ الزَّكَاةَ وَالْمُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ أُولَٰئِكَ سَنُؤْتِيهِمْ أَجْرًا عَظِيمًا 162 ١٦٢

Subalit ang mga nagpakalalim sa kaalaman kabilang sa kanila at ang mga mananampalataya ay sumasampalataya sa anumang pinababa sa iyo at anumang pinababa bago mo pa. Ang mga tagapanatili sa pagdarasal [lalo na], ang mga tagabigay ng zakāh, at ang mga mananampalataya kay Allāh at sa Huling Araw, ang mga iyon ay bibigyan ng isang pabuyang sukdulan. (162)

Tafsīr
Subalit ang mga nagpakatatag na nagpakahusay sa kaalaman kabilang sa mga hudyo at ang mga mananampalataya ay naniniwala sa pinababa ni Allāh sa iyo, O Sugo, na Qur'ān, naniniwala sa pinababa na mga kasulatan sa mga bago mo pa na mga sugo gaya ng Torah at Ebanghelyo, nagpapanatili ng pagdarasal, nagbibigay ng zakāh ng mga yaman nila, naniniwala kay Allāh bilang iisang Diyos na walang katambal, at naniniwala sa Araw ng Pagbangon. Ang mga nagtataglay na iyon ng mga katangiang ito ay bibigyan ng isang gantimpalang sukdulan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba