Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 162 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 162 sa 176 • Tagalog


لَٰكِنِ الرَّاسِخُونَ فِي الْعِلْمِ مِنْهُمْ وَالْمُؤْمِنُونَ يُؤْمِنُونَ بِمَا أُنْزِلَ إِلَيْكَ وَمَا أُنْزِلَ مِنْ قَبْلِكَ ۚ وَالْمُقِيمِينَ الصَّلَاةَ ۚ وَالْمُؤْتُونَ الزَّكَاةَ وَالْمُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ أُولَٰئِكَ سَنُؤْتِيهِمْ أَجْرًا عَظِيمًا 162
Pagsasalin:
Subalit ang mga nagpakalalim sa kaalaman kabilang sa kanila at ang mga mananampalataya ay sumasampalataya sa anumang pinababa sa iyo at anumang pinababa bago mo pa. Ang mga tagapanatili sa pagdarasal [lalo na], ang mga tagabigay ng zakāh, at ang mga mananampalataya kay Allāh at sa Huling Araw, ang mga iyon ay bibigyan ng isang pabuyang sukdulan. An-Nisā’ 4:162
Tafsīr:
Subalit ang mga nagpakatatag na nagpakahusay sa kaalaman kabilang sa mga hudyo at ang mga mananampalataya ay naniniwala sa pinababa ni Allāh sa iyo, O Sugo, na Qur'ān, naniniwala sa pinababa na mga kasulatan sa mga bago mo pa na mga sugo gaya ng Torah at Ebanghelyo, nagpapanatili ng pagdarasal, nagbibigay ng zakāh ng mga yaman nila, naniniwala kay Allāh bilang iisang Diyos na walang katambal, at naniniwala sa Araw ng Pagbangon. Ang mga nagtataglay na iyon ng mga katangiang ito ay bibigyan ng isang gantimpalang sukdulan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 161 Susunod An-Nisā’ • Talata 163