pagkuha nila ng patubo, gayong sinaway na sila kaugnay rito, at paglamon nila sa mga yaman ng mga tao sa kawalang-saysay. Naglaan Kami para sa mga tagatangging sumampalataya kabilang sa kanila ng isang pagdurusang masakit. An-Nisā’ 4:161 ⧉
Tafsīr:
dahilan sa pakikipagtransaksiyon nila ng patubo matapos na sumaway sa kanila si Allāh sa pagtanggap niyon; at dahilan sa pagkuha ng mga yaman ng mga tao nang walang karapatang legal. Naghanda Kami para sa mga tagatangging sumampalataya kabilang sa kanila ng isang pagdurusang nakasasakit.