Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 163 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 163 sa 176 • Tagalog


إِنَّا أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ كَمَا أَوْحَيْنَا إِلَىٰ نُوحٍ وَالنَّبِيِّينَ مِنْ بَعْدِهِ ۚ وَأَوْحَيْنَا إِلَىٰ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ وَإِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ وَالْأَسْبَاطِ وَعِيسَىٰ وَأَيُّوبَ وَيُونُسَ وَهَارُونَ وَسُلَيْمَانَ ۚ وَآتَيْنَا دَاوُودَ زَبُورًا 163
Pagsasalin:
Tunay na Kami ay nagkasi sa iyo kung paanong nagkasi Kami kay Noe at sa mga propeta matapos na niya; nagkasi kay Abraham, kay Ismael, kay Isaac, kay Jacob at sa [mga propeta ng] mga lipi [ng Israel], kay Jesus, kay Job, kay Jonas, kay Aaron, at kay Solomon; at nagbigay kay David ng Salmo. An-Nisā’ 4:163
Tafsīr:
Tunay na Kami ay nagkasi sa iyo, O Sugo, kung paanong nagkasi Kami sa mga propeta bago mo pa sapagkat ikaw ay hindi isang pasimula ng mga sugo sapagkat nagkasi nga Kami kay Noe; nagkasi nga Kami sa mga propeta na dumating nang matapos niya; at nagkasi nga Kami kay Abraham at sa dalawang anak niyang sina Ismael at Isaac, kay Jacob na anak Isaac, at sa mga lipi – ang mga propeta na nasa labindalawang lipi ng mga anak ni Israel na mga anak ni Jacob (sumakanya ang pagbati ng kapayapaan) – nagkasi nga Kami kina Hesus, Job, Jonas, Aaron, at Solomon; at nagbigay Kami kay David ng isang aklat, ang Salmo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 162 Susunod An-Nisā’ • Talata 164