[Nagsugo Kami ng] mga sugong isinalaysay na Namin sa iyo bago pa niyan at may mga sugong hindi Namin isinalaysay sa iyo. Kumausap si Allāh kay Moises sa isang pakikipag-usap. An-Nisā’ 4:164 ⧉
Tafsīr:
Nagsugo ng mga sugong isinalaysay sa iyo sa Qur'ān at nagsugo ng mga sugong hindi isinalaysay sa iyo rito. Iniwan ang pagbanggit sa kanila rito dahil sa isang kasanhian. Kumausap si Allāh kay Moises dahil sa pagkapropeta, nang walang tagapagpagitna, sa isang pakikipag-usap na tunay na nababagay sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – bilang pagpaparangal kay Moises.