Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 163)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 163

إِنَّا أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ كَمَا أَوْحَيْنَا إِلَىٰ نُوحٍ وَالنَّبِيِّينَ مِنْ بَعْدِهِ ۚ وَأَوْحَيْنَا إِلَىٰ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ وَإِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ وَالْأَسْبَاطِ وَعِيسَىٰ وَأَيُّوبَ وَيُونُسَ وَهَارُونَ وَسُلَيْمَانَ ۚ وَآتَيْنَا دَاوُودَ زَبُورًا 163 ١٦٣

Tunay na Kami ay nagkasi sa iyo kung paanong nagkasi Kami kay Noe at sa mga propeta matapos na niya; nagkasi kay Abraham, kay Ismael, kay Isaac, kay Jacob at sa [mga propeta ng] mga lipi [ng Israel], kay Jesus, kay Job, kay Jonas, kay Aaron, at kay Solomon; at nagbigay kay David ng Salmo. (163)

Tafsīr
Tunay na Kami ay nagkasi sa iyo, O Sugo, kung paanong nagkasi Kami sa mga propeta bago mo pa sapagkat ikaw ay hindi isang pasimula ng mga sugo sapagkat nagkasi nga Kami kay Noe; nagkasi nga Kami sa mga propeta na dumating nang matapos niya; at nagkasi nga Kami kay Abraham at sa dalawang anak niyang sina Ismael at Isaac, kay Jacob na anak Isaac, at sa mga lipi – ang mga propeta na nasa labindalawang lipi ng mga anak ni Israel na mga anak ni Jacob (sumakanya ang pagbati ng kapayapaan) – nagkasi nga Kami kina Hesus, Job, Jonas, Aaron, at Solomon; at nagbigay Kami kay David ng isang aklat, ang Salmo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba