Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 164)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Nagsugo Kami ng] mga sugong isinalaysay na Namin sa iyo bago pa niyan at may mga sugong hindi Namin isinalaysay sa iyo. Kumausap si Allāh kay Moises sa isang pakikipag-usap. (164)
Tafsīr
Nagsugo ng mga sugong isinalaysay sa iyo sa Qur'ān at nagsugo ng mga sugong hindi isinalaysay sa iyo rito. Iniwan ang pagbanggit sa kanila rito dahil sa isang kasanhian. Kumausap si Allāh kay Moises dahil sa pagkapropeta, nang walang tagapagpagitna, sa isang pakikipag-usap na tunay na nababagay sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – bilang pagpaparangal kay Moises.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: