Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 170)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga tao, naghatid nga sa inyo ang Sugo ng katotohanan mula sa Panginoon ninyo; kaya sumampalataya kayo, magiging mabuti ito para sa inyo. Kung tumatanggi kayong sumampalataya, tunay na sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at lupa. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong. (170)
Tafsīr
O mga tao, naghatid nga sa inyo ang Sugong si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ng patnubay at relihiyon ng katotohanan mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya. Kaya sumampalataya kayo sa inihatid niya sa inyo, ito ay magiging mabuti para sa inyo sa Mundo at Kabilang-buhay. Kung tatanggi kayong sumampalataya kay Allāh, tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan sa pananampalataya ninyo. Hindi makapipinsala sa Kanya ang kawalang-pananampalataya ninyo sapagkat sa Kanya ang pagmamay-ari sa anumang nasa mga langit at sa Kanya ang pagmamay-ari sa anumang nasa lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Laging si Allāh ay Maalam sa sinumang nagiging karapat-dapat sa kapatnubayan para magpadali Siya nito para roon, at sa sinumang hindi nagiging karapat-dapat dito para magpabulag Siya roon palayo rito; Marunong sa mga sinasabi Niya, mga ginagawa Niya, batas Niya, at pagtatakda Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: