Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 170 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 170 sa 176 • Tagalog


يَا أَيُّهَا النَّاسُ قَدْ جَاءَكُمُ الرَّسُولُ بِالْحَقِّ مِنْ رَبِّكُمْ فَآمِنُوا خَيْرًا لَكُمْ ۚ وَإِنْ تَكْفُرُوا فَإِنَّ لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمًا 170
Pagsasalin:
O mga tao, naghatid nga sa inyo ang Sugo ng katotohanan mula sa Panginoon ninyo; kaya sumampalataya kayo, magiging mabuti ito para sa inyo. Kung tumatanggi kayong sumampalataya, tunay na sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at lupa. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong. An-Nisā’ 4:170
Tafsīr:
O mga tao, naghatid nga sa inyo ang Sugong si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ng patnubay at relihiyon ng katotohanan mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya. Kaya sumampalataya kayo sa inihatid niya sa inyo, ito ay magiging mabuti para sa inyo sa Mundo at Kabilang-buhay. Kung tatanggi kayong sumampalataya kay Allāh, tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan sa pananampalataya ninyo. Hindi makapipinsala sa Kanya ang kawalang-pananampalataya ninyo sapagkat sa Kanya ang pagmamay-ari sa anumang nasa mga langit at sa Kanya ang pagmamay-ari sa anumang nasa lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Laging si Allāh ay Maalam sa sinumang nagiging karapat-dapat sa kapatnubayan para magpadali Siya nito para roon, at sa sinumang hindi nagiging karapat-dapat dito para magpabulag Siya roon palayo rito; Marunong sa mga sinasabi Niya, mga ginagawa Niya, batas Niya, at pagtatakda Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 169 Susunod An-Nisā’ • Talata 171