Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 171 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 171 sa 176 • Tagalog


يَا أَهْلَ الْكِتَابِ لَا تَغْلُوا فِي دِينِكُمْ وَلَا تَقُولُوا عَلَى اللَّهِ إِلَّا الْحَقَّ ۚ إِنَّمَا الْمَسِيحُ عِيسَى ابْنُ مَرْيَمَ رَسُولُ اللَّهِ وَكَلِمَتُهُ أَلْقَاهَا إِلَىٰ مَرْيَمَ وَرُوحٌ مِنْهُ ۖ فَآمِنُوا بِاللَّهِ وَرُسُلِهِ ۖ وَلَا تَقُولُوا ثَلَاثَةٌ ۚ انْتَهُوا خَيْرًا لَكُمْ ۚ إِنَّمَا اللَّهُ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ ۖ سُبْحَانَهُ أَنْ يَكُونَ لَهُ وَلَدٌ ۘ لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۗ وَكَفَىٰ بِاللَّهِ وَكِيلًا 171
Pagsasalin:
O mga May Kasulatan, huwag kayong magpalabis sa relihiyon ninyo at huwag kayong magsabi tungkol kay Allāh kundi ng totoo. Ang Kristo Jesus na anak ni Maria ay sugo ni Allāh lamang, salita Niya na ipinarating Niya kay Maria, at isang espiritu na mula sa Kanya. Kaya sumampalataya kayo kay Allāh at sa mga sugo Niya. Huwag kayong magsabi ng tatlo. Tumigil kayo, magiging mabuti ito para sa inyo. Si Allāh ay nag-iisang Diyos lamang. Kaluwalhatian sa Kanya para magkaroon pa sa Kanya ng isang anak. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Nakasapat si Allāh bilang Pinananaligan. An-Nisā’ 4:171
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga Kristiyano, na mga alagad ng Ebanghelyo: "Huwag kayong lumampas sa hangganan sa relihiyon ninyo at huwag kayong magsabi tungkol kay Allāh kaugnay sa pumapatungkol kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – maliban sa totoo. Ang Kristo Jesus na anak ni Maria ay sugo ni Allāh lamang. Isinugo Niya ito kalakip ng katotohanan. Nilikha Niya ito sa pamamagitan ng salita Niya na ipinasugo Niya kay Anghel Gabriel – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – patungo kay Maria. Ito ay ang sabi Niyang "Mangyari" at nangyari iyon. Ito ay isang ihip mula kay Allāh, na inihip ni Anghel Gabriel ayon sa isang utos mula kay Allāh. Kaya sumampalataya kayo kay Allāh at sa mga sugo Niya sa kalahatan nang walang pagtatangi-tangi sa pagitan nila. Huwag kayong magsabing ang Diyos ay tatlo. Tumigil kayo sa sinungaling na tiwaling pinagsasabing ito; ang pagtigil ninyo nito ay magiging mabuti para sa inyo sa Mundo at Kabilang-buhay. Si Allāh ay nag-iisang Diyos lamang, na nagpawalang-kaugnayan sa katambal at sa anak sapagkat Siya ay Walang-pangangailangan. Sa Kanya ang pagmamay-ari sa mga langit, ang pagmamay-ari sa lupa, at ang pagmamay-ari sa anumang nasa mga ito. Sapat sa anumang nasa mga langit at lupa si Allāh bilang tagapagtaguyod at bilang tagapangasiwa sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 170 Susunod An-Nisā’ • Talata 172