Hindi magmamata ang Kristo na siya ay maging isang lingkod ni Allāh, ni ang mga anghel na minamalapit [kay Allāh]. Ang sinumang nangmamata sa pagsamba sa Kanya at nagmamalaki ay kakalap Siya sa kanila tungo sa Kanya nang lahatan [para gantihan]. An-Nisā’ 4:172 ⧉
Tafsīr:
fHindi magmamaliit si Jesus na anak ni Maria at tatanggi na siya ay maging isang lingkod ni Allāh, ni ang mga anghel na inilapit ni Allāh sa Kanya at iniangat ang antas nila na sila ay maging mga lingkod kay Allāh. Kaya papaano kayong gumagawa kay Jesus bilang diyos? Papaanong gumagawa ang mga tagapagtambal sa mga anghel bilang mga diyos? Ang sinumang nagmamaliit sa pagsamba kay Allāh at humahamak dito, tunay na si Allāh ay kakalap sa lahat tungo sa Kanya sa Araw ng Pagbangon. Gaganti Siya sa bawat isa dahil sa nagiging karapat-dapat dito.