Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 173 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 173 sa 176 • Tagalog


فَأَمَّا الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ فَيُوَفِّيهِمْ أُجُورَهُمْ وَيَزِيدُهُمْ مِنْ فَضْلِهِ ۖ وَأَمَّا الَّذِينَ اسْتَنْكَفُوا وَاسْتَكْبَرُوا فَيُعَذِّبُهُمْ عَذَابًا أَلِيمًا وَلَا يَجِدُونَ لَهُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَلِيًّا وَلَا نَصِيرًا 173
Pagsasalin:
Kaya hinggil sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, maglulubus-lubos Siya sa kanila ng mga pabuya sa kanila at magdaragdag Siya sa kanila mula sa kabutihang-loob Niya. Hinggil naman sa mga nangmata at nagmalaki, pagdurusahin Niya sila ng isang pagdurusang masakit at hindi sila makatatagpo para sa kanila bukod pa kay Allāh ng isang katangkilik ni isang mapag-adya. An-Nisā’ 4:173
Tafsīr:
Kaya hinggil sa mga sumampalataya kay Allāh, naniwala sa mga sugo Niya, at gumawa ng mga gawang matuwid habang mga nagpapakawagas kay Allāh, na mga gumagawa ng ayon sa isinabatas Niya, magbibigay Siya sa kanila ng gantimpala sa mga gawa nila nang hindi nababawasan, at magdadagdag Siya sa kanila roon mula sa kabutihang-loob Niya at pagmamagandang-loob Niya. Tungkol naman sa mga nagmaliit sa pagsamba kay Allāh at pagtalima sa Kanya at nanghamak dala ng pagkamapagmalaki, pagdurusahin Niya sila ng isang pagdurusang nakasasakit. Hindi sila makatatagpo bukod pa sa Kanya ng tatangkilik sa kanila para magdulot sa kanila ng pakinabang, ni ng mag-aadya sa kanila para magtulak palayo sa kanila ng kapinsalaan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 172 Susunod An-Nisā’ • Talata 174