Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 171)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga May Kasulatan, huwag kayong magpalabis sa relihiyon ninyo at huwag kayong magsabi tungkol kay Allāh kundi ng totoo. Ang Kristo Jesus na anak ni Maria ay sugo ni Allāh lamang, salita Niya na ipinarating Niya kay Maria, at isang espiritu na mula sa Kanya. Kaya sumampalataya kayo kay Allāh at sa mga sugo Niya. Huwag kayong magsabi ng tatlo. Tumigil kayo, magiging mabuti ito para sa inyo. Si Allāh ay nag-iisang Diyos lamang. Kaluwalhatian sa Kanya para magkaroon pa sa Kanya ng isang anak. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Nakasapat si Allāh bilang Pinananaligan. (171)
Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga Kristiyano, na mga alagad ng Ebanghelyo: "Huwag kayong lumampas sa hangganan sa relihiyon ninyo at huwag kayong magsabi tungkol kay Allāh kaugnay sa pumapatungkol kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – maliban sa totoo. Ang Kristo Jesus na anak ni Maria ay sugo ni Allāh lamang. Isinugo Niya ito kalakip ng katotohanan. Nilikha Niya ito sa pamamagitan ng salita Niya na ipinasugo Niya kay Anghel Gabriel – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – patungo kay Maria. Ito ay ang sabi Niyang "Mangyari" at nangyari iyon. Ito ay isang ihip mula kay Allāh, na inihip ni Anghel Gabriel ayon sa isang utos mula kay Allāh. Kaya sumampalataya kayo kay Allāh at sa mga sugo Niya sa kalahatan nang walang pagtatangi-tangi sa pagitan nila. Huwag kayong magsabing ang Diyos ay tatlo. Tumigil kayo sa sinungaling na tiwaling pinagsasabing ito; ang pagtigil ninyo nito ay magiging mabuti para sa inyo sa Mundo at Kabilang-buhay. Si Allāh ay nag-iisang Diyos lamang, na nagpawalang-kaugnayan sa katambal at sa anak sapagkat Siya ay Walang-pangangailangan. Sa Kanya ang pagmamay-ari sa mga langit, ang pagmamay-ari sa lupa, at ang pagmamay-ari sa anumang nasa mga ito. Sapat sa anumang nasa mga langit at lupa si Allāh bilang tagapagtaguyod at bilang tagapangasiwa sa kanila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: