Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 173)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya hinggil sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, maglulubus-lubos Siya sa kanila ng mga pabuya sa kanila at magdaragdag Siya sa kanila mula sa kabutihang-loob Niya. Hinggil naman sa mga nangmata at nagmalaki, pagdurusahin Niya sila ng isang pagdurusang masakit at hindi sila makatatagpo para sa kanila bukod pa kay Allāh ng isang katangkilik ni isang mapag-adya. (173)
Tafsīr
Kaya hinggil sa mga sumampalataya kay Allāh, naniwala sa mga sugo Niya, at gumawa ng mga gawang matuwid habang mga nagpapakawagas kay Allāh, na mga gumagawa ng ayon sa isinabatas Niya, magbibigay Siya sa kanila ng gantimpala sa mga gawa nila nang hindi nababawasan, at magdadagdag Siya sa kanila roon mula sa kabutihang-loob Niya at pagmamagandang-loob Niya. Tungkol naman sa mga nagmaliit sa pagsamba kay Allāh at pagtalima sa Kanya at nanghamak dala ng pagkamapagmalaki, pagdurusahin Niya sila ng isang pagdurusang nakasasakit. Hindi sila makatatagpo bukod pa sa Kanya ng tatangkilik sa kanila para magdulot sa kanila ng pakinabang, ni ng mag-aadya sa kanila para magtulak palayo sa kanila ng kapinsalaan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: