Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 17)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang pagbabalik-loob ay nasa [pagtanggap mula] kay Allāh lamang ukol sa mga nakagagawa ng kasagwaan dahil sa kamangmangan, pagkatapos nagbabalik-loob sila kaagad, kaya naman ang mga iyon ay tinatanggapan ni Allāh ng pagbabalik-loob. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong. (17)
Tafsīr
Tumatanggap lamang si Allāh ng pagbabalik-loob ng mga nangahas sa paggawa ng mga pagkakasala at mga pagsuway dahil sa isang kamangmangan mula sa kanila sa kahihinatnan ng mga ito at kasamaan ng mga ito. Ito ang lagay ng bawat nakagagawa ng pagkakasala nang sinasadya o hindi sinasadya, pagkatapos nagbabalik sila na mga nagsisisi sa Panginoon nila bago makaharap ang kamatayan. Sa mga iyon tatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob at magpapalampas Siya sa mga masagwang gawa nila. Laging si Allāh ay Maalam sa mga kalagayan ng nilikha Niya, Marunong sa pagtatakda Niya at pagbabatas Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: