Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 17 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 17 sa 176 • Tagalog


إِنَّمَا التَّوْبَةُ عَلَى اللَّهِ لِلَّذِينَ يَعْمَلُونَ السُّوءَ بِجَهَالَةٍ ثُمَّ يَتُوبُونَ مِنْ قَرِيبٍ فَأُولَٰئِكَ يَتُوبُ اللَّهُ عَلَيْهِمْ ۗ وَكَانَ اللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمًا 17
Pagsasalin:
Ang pagbabalik-loob ay nasa [pagtanggap mula] kay Allāh lamang ukol sa mga nakagagawa ng kasagwaan dahil sa kamangmangan, pagkatapos nagbabalik-loob sila kaagad, kaya naman ang mga iyon ay tinatanggapan ni Allāh ng pagbabalik-loob. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong. An-Nisā’ 4:17
Tafsīr:
Tumatanggap lamang si Allāh ng pagbabalik-loob ng mga nangahas sa paggawa ng mga pagkakasala at mga pagsuway dahil sa isang kamangmangan mula sa kanila sa kahihinatnan ng mga ito at kasamaan ng mga ito. Ito ang lagay ng bawat nakagagawa ng pagkakasala nang sinasadya o hindi sinasadya, pagkatapos nagbabalik sila na mga nagsisisi sa Panginoon nila bago makaharap ang kamatayan. Sa mga iyon tatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob at magpapalampas Siya sa mga masagwang gawa nila. Laging si Allāh ay Maalam sa mga kalagayan ng nilikha Niya, Marunong sa pagtatakda Niya at pagbabatas Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 16 Susunod An-Nisā’ • Talata 18