Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 18 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 18 sa 176 • Tagalog


وَلَيْسَتِ التَّوْبَةُ لِلَّذِينَ يَعْمَلُونَ السَّيِّئَاتِ حَتَّىٰ إِذَا حَضَرَ أَحَدَهُمُ الْمَوْتُ قَالَ إِنِّي تُبْتُ الْآنَ وَلَا الَّذِينَ يَمُوتُونَ وَهُمْ كُفَّارٌ ۚ أُولَٰئِكَ أَعْتَدْنَا لَهُمْ عَذَابًا أَلِيمًا 18
Pagsasalin:
Ang pagbabalik-loob ay hindi ukol [tanggapin] sa mga gumagawa ng mga masagwang gawa; hanggang sa nang dumalo sa isa sa kanila ang kamatayan ay nagsabi siya: “Tunay na ako ay nagbalik-loob ngayon,” at hindi [ukol tanggapin] sa mga namamatay samantalang sila ay mga tagatangging sumampalataya. Ang mga iyon ay naghanda Kami para sa kanila ng isang pagdurusang masakit. An-Nisā’ 4:18
Tafsīr:
Hindi tumatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob ng mga nagpupumilit sa mga pagsuway at hindi nagbabalik-loob mula sa mga ito hanggang sa makatanaw sila ng paghihingalo saka sa sandaling iyon ay magsasabi ang isa kabilang sa kanila: "Tunay na ako ay nagbalik-loob ngayon mula sa nagawa ko na mga pagsuway." Hindi tumatanggap si Allāh, gayon din, ng pagbabalik-loob ng mga mamamatay habang sila ay mga nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya. Ang mga tagasuway na nagpupumilit na iyon sa mga pagsuway at ang mga mamamatay habang sila ay nasa kawalang-pananampalataya nila ay naghanda Kami para sa kanila ng isang pagdurusang masakit.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 17 Susunod An-Nisā’ • Talata 19