Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 19 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 19 sa 176 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا يَحِلُّ لَكُمْ أَنْ تَرِثُوا النِّسَاءَ كَرْهًا ۖ وَلَا تَعْضُلُوهُنَّ لِتَذْهَبُوا بِبَعْضِ مَا آتَيْتُمُوهُنَّ إِلَّا أَنْ يَأْتِينَ بِفَاحِشَةٍ مُبَيِّنَةٍ ۚ وَعَاشِرُوهُنَّ بِالْمَعْرُوفِ ۚ فَإِنْ كَرِهْتُمُوهُنَّ فَعَسَىٰ أَنْ تَكْرَهُوا شَيْئًا وَيَجْعَلَ اللَّهُ فِيهِ خَيْرًا كَثِيرًا 19
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, hindi ipinahihintulot para sa inyo na magmana kayo ng mga babae nang sapilitan ni humadlang kayo sa kanila [sa pag-aasawa] upang makakuha kayo ng ilan sa ibinigay ninyo sa kanila, maliban na gumawa sila ng isang mahalay na nagliliwanag. Makitungo kayo sa kanila ayon sa nakabubuti sapagkat kung nasuklam kayo sa kanila ay marahil nasusuklam kayo sa isang bagay at gumagawa naman si Allāh dito ng maraming kabutihan. An-Nisā’ 4:19
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, hindi pinapayagan para sa inyo na magmana kayo ng mga maybahay ng mga ama ninyo at mga kamag-anak ninyo gaya ng pagmamana ng ari-arian, at na malayang magsagawa kayo sa kanila ng kasal sa kanila o ng pagpapakasal sa kanila sa sinumang niloloob ninyo o ng pagpigil sa kanila sa pagpapakasal. Hindi pinapayagan para sa inyo ang pagpapanatili sa mga maybahay ninyo na kinasusuklaman ninyo para maminsala sa kanila upang magpaubaya sila sa inyo ng ilan sa ibinigay ninyo sa kanila na bigay-kaya at iba pa rito, maliban na nakagawa sila ng isang mahalay na maliwanag gaya ng pangangalunya sapagkat kapag gumawa sila niyon ay pinapayagan para sa inyo ang pagpapanatili sa kanila at ang paggipit sa kanila hanggang sa tubusin nila [ang mga sarili nila] mula sa inyo sa pamamagitan ng ibinigay ninyo sa kanila. Makisama kayo sa mga maybahay ninyo nang isang kaaya-ayang pakikisama sa pamamagitan ng pagpipigil sa pananakit at pagkakaloob ng pagmamagandang-loob. Kung nasuklam kayo sa kanila dahil sa makamundong bagay ay pagtiisan ninyo sila sapagkat harinawa si Allāh ay maglalagay sa kinasusuklaman ninyo ng maraming kabutihan sa buhay na pangmundo at pangkabilang-buhay.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 18 Susunod An-Nisā’ • Talata 20