Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 18)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 18

وَلَيْسَتِ التَّوْبَةُ لِلَّذِينَ يَعْمَلُونَ السَّيِّئَاتِ حَتَّىٰ إِذَا حَضَرَ أَحَدَهُمُ الْمَوْتُ قَالَ إِنِّي تُبْتُ الْآنَ وَلَا الَّذِينَ يَمُوتُونَ وَهُمْ كُفَّارٌ ۚ أُولَٰئِكَ أَعْتَدْنَا لَهُمْ عَذَابًا أَلِيمًا 18 ١٨

Ang pagbabalik-loob ay hindi ukol [tanggapin] sa mga gumagawa ng mga masagwang gawa; hanggang sa nang dumalo sa isa sa kanila ang kamatayan ay nagsabi siya: “Tunay na ako ay nagbalik-loob ngayon,” at hindi [ukol tanggapin] sa mga namamatay samantalang sila ay mga tagatangging sumampalataya. Ang mga iyon ay naghanda Kami para sa kanila ng isang pagdurusang masakit. (18)

Tafsīr
Hindi tumatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob ng mga nagpupumilit sa mga pagsuway at hindi nagbabalik-loob mula sa mga ito hanggang sa makatanaw sila ng paghihingalo saka sa sandaling iyon ay magsasabi ang isa kabilang sa kanila: "Tunay na ako ay nagbalik-loob ngayon mula sa nagawa ko na mga pagsuway." Hindi tumatanggap si Allāh, gayon din, ng pagbabalik-loob ng mga mamamatay habang sila ay mga nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya. Ang mga tagasuway na nagpupumilit na iyon sa mga pagsuway at ang mga mamamatay habang sila ay nasa kawalang-pananampalataya nila ay naghanda Kami para sa kanila ng isang pagdurusang masakit.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba