Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 21)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 21

وَكَيْفَ تَأْخُذُونَهُ وَقَدْ أَفْضَىٰ بَعْضُكُمْ إِلَىٰ بَعْضٍ وَأَخَذْنَ مِنْكُمْ مِيثَاقًا غَلِيظًا 21 ٢١

Papaano kayong kukuha nito samantalang nagtalik na ang isa’t isa sa inyo at tumanggap sila mula sa inyo ng isang kasunduang mahigpit? (21)

Tafsīr
Papaano kayong kukuha ng ibinigay ninyo sa kanila na bigay-kaya matapos ng nangyari sa inyo na isang relasyon, isang pagmamahalan, isang pagpapasarap, at isang pagpapabatid ng mga lihim sapagkat tunay na ang paghahangad sa anumang yamang nasa mga kamay nila matapos nito ay isang bagay na nakasasama at minamasagwa. Tumanggap nga sila mula sa inyo ng isang mahigpit na kasunduang pinagtibay: ang pagpapahintulot ng mga sarili nila sa inyo ayon sa salita ni Allāh – pagkataas-taas Siya – at batas Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba