Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 26)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 26

يُرِيدُ اللَّهُ لِيُبَيِّنَ لَكُمْ وَيَهْدِيَكُمْ سُنَنَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِكُمْ وَيَتُوبَ عَلَيْكُمْ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ 26 ٢٦

Nagnanais si Allāh na maglinaw para sa inyo, magpatnubay sa inyo ng mga kalakaran ng mga bago pa ninyo, at tumanggap ng pagbabalik-loob sa inyo. Si Allāh ay Maalam, Marunong. (26)

Tafsīr
Nagnanais si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – sa pagsasabatas Niya ng mga patakarang ito para sa inyo na maglinaw para sa inyo ng mga kakanyahan ng batas Niya at relihiyon Niya, at anumang naroon ang mga kapakanan ninyo sa Mundo at Kabilang-buhay. Nagnanais Siya na gumabay sa inyo tungo sa mga daan ng mga propeta bago pa ninyo kaugnay sa pagpapahintulot at pagbabawal, sa mga katangian nilang marangal, at sa mga talambuhay nilang kapuri-puri upang sundan ninyo sila. Nagnanais Siya na magpabalik sa inyo mula sa pagsuway sa Kanya tungo sa pagtalima sa Kanya. Si Allāh ay Maaalam sa anumang naroon ang kapakanan ng mga lingkod Niya kaya nagsasabatas Siya para sa kanila, Marunong sa pagbabatas Niya at pangangasiwa Niya sa mga nauukol sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba