Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 33)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Para sa lahat ay gumawa Kami ng mga tagapagmana mula sa naiwan ng mga magulang at mga malapit na kaanak. Ang mga pumatungkol ang mga panunumpa ninyo ay magbigay kayo sa kanila ng bahagi nila [sa pamana]. Tunay na si Allāh, sa bawat bagay, ay Saksi. (33)
Tafsīr
Para sa bawat isa kabilang sa inyo ay gumawa Kami ng isang pangkat na magmamana ng pamana na naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak. Ang mga pinagsagawaan ninyo ng mga binibigyang-diing panunumpa ng alyansa at pag-adya ay magbigay kayo sa kanila ng bahagi nila mula sa pamana. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Saksi. Kabilang doon ang pagsaksi Niya sa mga panunumpa ninyo at mga kasunduan ninyong ito. Ang pagmamanahan ayon sa alyansa ay sa simula ng Islām noon, pagkatapos pinawalang-bisa ito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: