Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 33 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 33 sa 176 • Tagalog


وَلِكُلٍّ جَعَلْنَا مَوَالِيَ مِمَّا تَرَكَ الْوَالِدَانِ وَالْأَقْرَبُونَ ۚ وَالَّذِينَ عَقَدَتْ أَيْمَانُكُمْ فَآتُوهُمْ نَصِيبَهُمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ شَهِيدًا 33
Pagsasalin:
Para sa lahat ay gumawa Kami ng mga tagapagmana mula sa naiwan ng mga magulang at mga malapit na kaanak. Ang mga pumatungkol ang mga panunumpa ninyo ay magbigay kayo sa kanila ng bahagi nila [sa pamana]. Tunay na si Allāh, sa bawat bagay, ay Saksi. An-Nisā’ 4:33
Tafsīr:
Para sa bawat isa kabilang sa inyo ay gumawa Kami ng isang pangkat na magmamana ng pamana na naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak. Ang mga pinagsagawaan ninyo ng mga binibigyang-diing panunumpa ng alyansa at pag-adya ay magbigay kayo sa kanila ng bahagi nila mula sa pamana. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Saksi. Kabilang doon ang pagsaksi Niya sa mga panunumpa ninyo at mga kasunduan ninyong ito. Ang pagmamanahan ayon sa alyansa ay sa simula ng Islām noon, pagkatapos pinawalang-bisa ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 32 Susunod An-Nisā’ • Talata 34