Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 34 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 34 sa 176 • Tagalog


الرِّجَالُ قَوَّامُونَ عَلَى النِّسَاءِ بِمَا فَضَّلَ اللَّهُ بَعْضَهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ وَبِمَا أَنْفَقُوا مِنْ أَمْوَالِهِمْ ۚ فَالصَّالِحَاتُ قَانِتَاتٌ حَافِظَاتٌ لِلْغَيْبِ بِمَا حَفِظَ اللَّهُ ۚ وَاللَّاتِي تَخَافُونَ نُشُوزَهُنَّ فَعِظُوهُنَّ وَاهْجُرُوهُنَّ فِي الْمَضَاجِعِ وَاضْرِبُوهُنَّ ۖ فَإِنْ أَطَعْنَكُمْ فَلَا تَبْغُوا عَلَيْهِنَّ سَبِيلًا ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَلِيًّا كَبِيرًا 34
Pagsasalin:
Ang mga lalaki ay mga tagapagpanatili ng mga babae dahil nagtangi si Allāh sa iba sa kanila higit sa iba at dahil gumugol sila mula sa mga yaman nila. Kaya ang mga maayos na babae ay mga masunurin, mga tagapag-ingat sa pagkaliban [ng mga asawa] sa iningatan ni Allāh. Ang mga [maybahay na] nangangamba kayo sa kapalaluan nila ay pangaralan ninyo sila [sa simula], iwan ninyo sila sa mga higaan [kung sumuway], at paluin ninyo sila [nang hindi masakit kung tumanggi pa]; ngunit kung tumalima sila sa inyo ay huwag kayong maghanap laban sa kanila ng isang paraan. Tunay na si Allāh ay laging Mataas, Malaki. An-Nisā’ 4:34
Tafsīr:
Ang mga lalaki ay nag-aaruga sa mga babae at nagtataguyod sa mga nauukol sa mga ito dahilan sa nagtangi sa kanila si Allāh ng kalamangan sa mga ito at dahilan sa kinakailangan sa kanila ang paggugol at ang pagtataguyod sa mga ito. Ang mga maayos sa mga babae ay mga tagatalima sa Panginoon nila, mga tagatalima sa mga asawa nila, at mga tagapag-ingat sa ukol sa mga asawa sa pagkaliban ng mga asawa dahilan sa pagtutuon ni Allāh sa kanila. Ang mga [maybahay na] nangangamba kayo sa pagmamataas nila laban sa pagtalima sa mga asawa nila sa salita o gawa ay magsimula kayo, O mga asawa, sa pagpapaalaala sa kanila at pagpapangamba sa kanila kay Allāh. Kung hindi sila tumugon ay lumayo kayo sa kanila sa mga higaan sa pamamagitan ng pagtalikod ng mga likod ninyo at hindi pakikipagtalik sa kanila. Ngunit kung hindi sila tumugon ay paluin ninyo sila ng isang palong hindi nakasasakit. Kaya kung bumalik sila sa pagtalima ay huwag kayong mangaway sa kanila sa pamamagitan ng pang-aapi o paninisi. Tunay na si Allāh ay laging may kataasan sa bawat bagay, Malaki sa sarili Niya at mga katangian Niya kaya mangamba kayo sa Kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 33 Susunod An-Nisā’ • Talata 35