Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 35 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 35 sa 176 • Tagalog


وَإِنْ خِفْتُمْ شِقَاقَ بَيْنِهِمَا فَابْعَثُوا حَكَمًا مِنْ أَهْلِهِ وَحَكَمًا مِنْ أَهْلِهَا إِنْ يُرِيدَا إِصْلَاحًا يُوَفِّقِ اللَّهُ بَيْنَهُمَا ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَلِيمًا خَبِيرًا 35
Pagsasalin:
Kung nangamba kayo sa isang hidwaan sa pagitan nilang dalawa ay magpadala kayo ng isang tagahatol mula sa mag-anak ng lalaki at isang tagahatol mula sa mag-anak ng babae. Kung magnanais silang dalawa ng isang pagsasaayos ay magpapatugma si Allāh sa pagitan nilang dalawa. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Mapagbatid. An-Nisā’ 4:35
Tafsīr:
Kung nangamba kayo, O mga katangkilik ng mag-asawa, na umabot ang salungatan sa pagitan nilang dalawa sa pagkamuhi at pagtatalikuran, magpadala kayo ng isang lalaking makatarungan mula sa mag-anak ng lalaki at isang lalaking makatarungan mula sa mag-anak ng babae upang humatol ang dalawang ito ng anumang naroon ang kapakanan gaya ng pagpapahiwalay o pagpapatugma sa pagitan nilang dalawa. Ang pagpapatugma ay higit na kaibig-ibig at higit na karapat-dapat. Kaya kung nagnais nito ang dalawang tagahatol at tumahak ang dalawang ito sa istilong pinakaideyal, magpapatugma si Allāh sa mag-asawa at mag-aalis Siya ng salungatan sa pagitan nilang dalawa. Tunay na si Allāh ay walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga lingkod Niya. Siya ay Maalam sa mga kaliit-liitan ng ikinukubli nila sa mga puso nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 34 Susunod An-Nisā’ • Talata 36