Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 36 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 36 sa 176 • Tagalog


وَاعْبُدُوا اللَّهَ وَلَا تُشْرِكُوا بِهِ شَيْئًا ۖ وَبِالْوَالِدَيْنِ إِحْسَانًا وَبِذِي الْقُرْبَىٰ وَالْيَتَامَىٰ وَالْمَسَاكِينِ وَالْجَارِ ذِي الْقُرْبَىٰ وَالْجَارِ الْجُنُبِ وَالصَّاحِبِ بِالْجَنْبِ وَابْنِ السَّبِيلِ وَمَا مَلَكَتْ أَيْمَانُكُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ مَنْ كَانَ مُخْتَالًا فَخُورًا 36
Pagsasalin:
Sumamba kayo kay Allāh at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman. Sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda, at sa may pagkakamag-anak, mga ulila, mga dukha, kapit-bahay na may pagkakamag-anak, kapit-bahay na malayo, kasamahan sa tabi, kinapos sa daan, at minay-ari ng mga kanang kamay ninyo. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa sinumang naging isang hambog na mayabang. An-Nisā’ 4:36
Tafsīr:
Sumamba kayo kay Allāh – tanging sa Kanya – sa pamamagitan ng pagpapaakay sa Kanya at huwag kayong sumamba kasama sa Kanya sa iba sa Kanya. Gumawa kayo ng maganda sa mga magulang sa pamamagitan ng pagpaparangal sa kanilang dalawa at pagpapakabuti sa kanilang dalawa. Gumawa kayo ng maganda sa mga kamag-anak, mga ulila, at mga may pangangailangan. Gumawa kayo ng maganda sa kapit-bahay na may ugnayang pangkaanak at kapit-bahay na walang ugnayang pangkaanak. Gumawa kayo ng maganda sa kasamahang sumasabay sa inyo. Gumawa kayo ng maganda sa manlalakbay na estranghero na kinapos sa mga landas. Gumawa kayo ng maganda sa mga alipin ninyo. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa sinumang tagahanga ng sarili, na nagpapakamalaki sa mga lingkod Niya, na nagbubunyi sa sarili sa paraan ng pagyayabang sa mga tao.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 35 Susunod An-Nisā’ • Talata 37