Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 37 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 37 sa 176 • Tagalog


الَّذِينَ يَبْخَلُونَ وَيَأْمُرُونَ النَّاسَ بِالْبُخْلِ وَيَكْتُمُونَ مَا آتَاهُمُ اللَّهُ مِنْ فَضْلِهِ ۗ وَأَعْتَدْنَا لِلْكَافِرِينَ عَذَابًا مُهِينًا 37
Pagsasalin:
[Sila] ang mga nagmamaramot, nag-uutos sa mga tao ng pagmamaramot, at nagtatago ng ibinigay sa kanila ni Allāh mula sa kabutihang-loob Niya. Naghanda para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pagdurusang manghahamak. An-Nisā’ 4:37
Tafsīr:
Hindi umiibig si Allāh sa mga nagkakait ng inobliga ni Allāh sa kanila na paggugol mula sa ibinigay Niya sa kanila na panustos Niya, nag-uutos sa iba sa kanila ng gayon sa pamamagitan ng sinasabi nila at ginagawa nila, at nagkukubli ng ibinigay sa kanila ni Allāh mula sa kabutihang-loob Niya gaya ng panustos, kaalaman, at iba pa kaya hindi sila naglilinaw sa mga tao ng katotohanan, bagkus ay nagtatago sila nito at naglalantad ng kabulaanan. Ang mga katangiang ito ay kabilang sa mga katangian ng kawalang-pananampalataya. Naghanda na si Allāh para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pagdurusang manghihiya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 36 Susunod An-Nisā’ • Talata 38