Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 34)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang mga lalaki ay mga tagapagpanatili ng mga babae dahil nagtangi si Allāh sa iba sa kanila higit sa iba at dahil gumugol sila mula sa mga yaman nila. Kaya ang mga maayos na babae ay mga masunurin, mga tagapag-ingat sa pagkaliban [ng mga asawa] sa iningatan ni Allāh. Ang mga [maybahay na] nangangamba kayo sa kapalaluan nila ay pangaralan ninyo sila [sa simula], iwan ninyo sila sa mga higaan [kung sumuway], at paluin ninyo sila [nang hindi masakit kung tumanggi pa]; ngunit kung tumalima sila sa inyo ay huwag kayong maghanap laban sa kanila ng isang paraan. Tunay na si Allāh ay laging Mataas, Malaki. (34)
Tafsīr
Ang mga lalaki ay nag-aaruga sa mga babae at nagtataguyod sa mga nauukol sa mga ito dahilan sa nagtangi sa kanila si Allāh ng kalamangan sa mga ito at dahilan sa kinakailangan sa kanila ang paggugol at ang pagtataguyod sa mga ito. Ang mga maayos sa mga babae ay mga tagatalima sa Panginoon nila, mga tagatalima sa mga asawa nila, at mga tagapag-ingat sa ukol sa mga asawa sa pagkaliban ng mga asawa dahilan sa pagtutuon ni Allāh sa kanila. Ang mga [maybahay na] nangangamba kayo sa pagmamataas nila laban sa pagtalima sa mga asawa nila sa salita o gawa ay magsimula kayo, O mga asawa, sa pagpapaalaala sa kanila at pagpapangamba sa kanila kay Allāh. Kung hindi sila tumugon ay lumayo kayo sa kanila sa mga higaan sa pamamagitan ng pagtalikod ng mga likod ninyo at hindi pakikipagtalik sa kanila. Ngunit kung hindi sila tumugon ay paluin ninyo sila ng isang palong hindi nakasasakit. Kaya kung bumalik sila sa pagtalima ay huwag kayong mangaway sa kanila sa pamamagitan ng pang-aapi o paninisi. Tunay na si Allāh ay laging may kataasan sa bawat bagay, Malaki sa sarili Niya at mga katangian Niya kaya mangamba kayo sa Kanya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: