Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 35)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 35

وَإِنْ خِفْتُمْ شِقَاقَ بَيْنِهِمَا فَابْعَثُوا حَكَمًا مِنْ أَهْلِهِ وَحَكَمًا مِنْ أَهْلِهَا إِنْ يُرِيدَا إِصْلَاحًا يُوَفِّقِ اللَّهُ بَيْنَهُمَا ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَلِيمًا خَبِيرًا 35 ٣٥

Kung nangamba kayo sa isang hidwaan sa pagitan nilang dalawa ay magpadala kayo ng isang tagahatol mula sa mag-anak ng lalaki at isang tagahatol mula sa mag-anak ng babae. Kung magnanais silang dalawa ng isang pagsasaayos ay magpapatugma si Allāh sa pagitan nilang dalawa. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Mapagbatid. (35)

Tafsīr
Kung nangamba kayo, O mga katangkilik ng mag-asawa, na umabot ang salungatan sa pagitan nilang dalawa sa pagkamuhi at pagtatalikuran, magpadala kayo ng isang lalaking makatarungan mula sa mag-anak ng lalaki at isang lalaking makatarungan mula sa mag-anak ng babae upang humatol ang dalawang ito ng anumang naroon ang kapakanan gaya ng pagpapahiwalay o pagpapatugma sa pagitan nilang dalawa. Ang pagpapatugma ay higit na kaibig-ibig at higit na karapat-dapat. Kaya kung nagnais nito ang dalawang tagahatol at tumahak ang dalawang ito sa istilong pinakaideyal, magpapatugma si Allāh sa mag-asawa at mag-aalis Siya ng salungatan sa pagitan nilang dalawa. Tunay na si Allāh ay walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga lingkod Niya. Siya ay Maalam sa mga kaliit-liitan ng ikinukubli nila sa mga puso nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba