Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 36)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sumamba kayo kay Allāh at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman. Sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda, at sa may pagkakamag-anak, mga ulila, mga dukha, kapit-bahay na may pagkakamag-anak, kapit-bahay na malayo, kasamahan sa tabi, kinapos sa daan, at minay-ari ng mga kanang kamay ninyo. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa sinumang naging isang hambog na mayabang. (36)
Tafsīr
Sumamba kayo kay Allāh – tanging sa Kanya – sa pamamagitan ng pagpapaakay sa Kanya at huwag kayong sumamba kasama sa Kanya sa iba sa Kanya. Gumawa kayo ng maganda sa mga magulang sa pamamagitan ng pagpaparangal sa kanilang dalawa at pagpapakabuti sa kanilang dalawa. Gumawa kayo ng maganda sa mga kamag-anak, mga ulila, at mga may pangangailangan. Gumawa kayo ng maganda sa kapit-bahay na may ugnayang pangkaanak at kapit-bahay na walang ugnayang pangkaanak. Gumawa kayo ng maganda sa kasamahang sumasabay sa inyo. Gumawa kayo ng maganda sa manlalakbay na estranghero na kinapos sa mga landas. Gumawa kayo ng maganda sa mga alipin ninyo. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa sinumang tagahanga ng sarili, na nagpapakamalaki sa mga lingkod Niya, na nagbubunyi sa sarili sa paraan ng pagyayabang sa mga tao.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: