Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 59)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga sumampalataya, tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo at sa mga may katungkulan mula sa inyo. Kaya kung naghidwaan kayo sa isang bagay ay sumangguni kayo kay Allāh at sa Sugo, kung kayo ay sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Iyon ay higit na mabuti at higit na maganda sa pagsasakatuparan. (59)
Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo, tumalima kayo kay Allāh, tumalima kayo sa Sugo Niya sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos Niya at pag-iwas sa sinaway Niya, at tumalima kayo sa mga may kapamahalaan sa inyo hanggat hindi sila nag-uutos ng pagsuway. Kaya kung nagkaiba-iba kayo sa isang bagay ay bumatay kayo hinggil dito sa Aklat ni Allāh at Sunnah ng Propeta Niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – kung kayo ay sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Ang pagbatay na iyon sa Qur'ān at Sunnah ay higit na mainam kaysa sa pagpapatuloy sa pagkakaiba-iba at pagsasabi batay sa pananaw, at higit na maganda sa kahihinatnan para sa inyo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: