Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 59 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 59 sa 176 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا أَطِيعُوا اللَّهَ وَأَطِيعُوا الرَّسُولَ وَأُولِي الْأَمْرِ مِنْكُمْ ۖ فَإِنْ تَنَازَعْتُمْ فِي شَيْءٍ فَرُدُّوهُ إِلَى اللَّهِ وَالرَّسُولِ إِنْ كُنْتُمْ تُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ ۚ ذَٰلِكَ خَيْرٌ وَأَحْسَنُ تَأْوِيلًا 59
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo at sa mga may katungkulan mula sa inyo. Kaya kung naghidwaan kayo sa isang bagay ay sumangguni kayo kay Allāh at sa Sugo, kung kayo ay sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Iyon ay higit na mabuti at higit na maganda sa pagsasakatuparan. An-Nisā’ 4:59
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo, tumalima kayo kay Allāh, tumalima kayo sa Sugo Niya sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos Niya at pag-iwas sa sinaway Niya, at tumalima kayo sa mga may kapamahalaan sa inyo hanggat hindi sila nag-uutos ng pagsuway. Kaya kung nagkaiba-iba kayo sa isang bagay ay bumatay kayo hinggil dito sa Aklat ni Allāh at Sunnah ng Propeta Niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – kung kayo ay sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Ang pagbatay na iyon sa Qur'ān at Sunnah ay higit na mainam kaysa sa pagpapatuloy sa pagkakaiba-iba at pagsasabi batay sa pananaw, at higit na maganda sa kahihinatnan para sa inyo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 58 Susunod An-Nisā’ • Talata 60