Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 58 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 58 sa 176 • Tagalog


إِنَّ اللَّهَ يَأْمُرُكُمْ أَنْ تُؤَدُّوا الْأَمَانَاتِ إِلَىٰ أَهْلِهَا وَإِذَا حَكَمْتُمْ بَيْنَ النَّاسِ أَنْ تَحْكُمُوا بِالْعَدْلِ ۚ إِنَّ اللَّهَ نِعِمَّا يَعِظُكُمْ بِهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ سَمِيعًا بَصِيرًا 58
Pagsasalin:
Tunay na si Allāh ay nag-uutos sa inyo na gampanan ninyo ang mga ipinagkatiwala sa mga kinauukulan ng mga ito. Kapag humatol kayo sa pagitan ng mga tao na humatol kayo ayon sa katarungan. Tunay na si Allāh ay kay inam ng ipinangangaral sa inyo! Tunay na si Allāh ay laging Madinigin, Nakakikita. An-Nisā’ 4:58
Tafsīr:
Tunay na si Allāh ay nag-uutos sa inyo na iparating ninyo ang bawat ipinagkatiwala sa inyo sa mga kinauukulan nito, at nag-uutos sa inyo kapag humusga kayo sa pagitan ng mga tao na magpakamakatarungan kayo, huwag kayong kumiling, at huwag kayong mang-api sa paghatol. Tunay na si Allāh ay kay inam ng ipinapaalaala sa inyo at iginagabay sa inyo sa lahat ng mga kalagayan ninyo. Tunay na si Allāh ay laging Madinigin sa mga sinasabi ninyo, Nakakikita sa mga ginagawa ninyo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 57 Susunod An-Nisā’ • Talata 59