Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 60 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 60 sa 176 • Tagalog


أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ يَزْعُمُونَ أَنَّهُمْ آمَنُوا بِمَا أُنْزِلَ إِلَيْكَ وَمَا أُنْزِلَ مِنْ قَبْلِكَ يُرِيدُونَ أَنْ يَتَحَاكَمُوا إِلَى الطَّاغُوتِ وَقَدْ أُمِرُوا أَنْ يَكْفُرُوا بِهِ وَيُرِيدُ الشَّيْطَانُ أَنْ يُضِلَّهُمْ ضَلَالًا بَعِيدًا 60
Pagsasalin:
Hindi ka ba nakaalam sa mga nag-aangkin na sila ay sumampalataya raw sa pinababa sa iyo at pinababa bago mo pa? Nagnanais sila na magpahatol sa nagpapakadiyos samantalang inutusan nga sila na tumangging sumampalataya rito. Nagnanais ang demonyo na magligaw sa kanila sa isang pagkaligaw na malayo. An-Nisā’ 4:60
Tafsīr:
Hindi ka ba nakaalam, O Sugo, sa pagsasalungatan ng mga mapagpaimbabaw kabilang sa mga Hudyo na nag-aangkin ng isang kasinungalingan na sila ay sumampalataya raw sa pinababa sa iyo at pinababa sa mga sugo bago mo pa? Nagnanais sila na magpahatol kaugnay sa mga hidwaan nila sa hindi batas ni Allāh, na ginawa ng mga tao, gayong inutusan na sila na tumangging sumampalataya roon. Nagnanais ang demonyo na magpalayo sa kanila sa katotohanan sa isang pagpapalayong matindi, na hindi sila napapatnubayang kasama nito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 59 Susunod An-Nisā’ • Talata 61