Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 60)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 60

أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ يَزْعُمُونَ أَنَّهُمْ آمَنُوا بِمَا أُنْزِلَ إِلَيْكَ وَمَا أُنْزِلَ مِنْ قَبْلِكَ يُرِيدُونَ أَنْ يَتَحَاكَمُوا إِلَى الطَّاغُوتِ وَقَدْ أُمِرُوا أَنْ يَكْفُرُوا بِهِ وَيُرِيدُ الشَّيْطَانُ أَنْ يُضِلَّهُمْ ضَلَالًا بَعِيدًا 60 ٦٠

Hindi ka ba nakaalam sa mga nag-aangkin na sila ay sumampalataya raw sa pinababa sa iyo at pinababa bago mo pa? Nagnanais sila na magpahatol sa nagpapakadiyos samantalang inutusan nga sila na tumangging sumampalataya rito. Nagnanais ang demonyo na magligaw sa kanila sa isang pagkaligaw na malayo. (60)

Tafsīr
Hindi ka ba nakaalam, O Sugo, sa pagsasalungatan ng mga mapagpaimbabaw kabilang sa mga Hudyo na nag-aangkin ng isang kasinungalingan na sila ay sumampalataya raw sa pinababa sa iyo at pinababa sa mga sugo bago mo pa? Nagnanais sila na magpahatol kaugnay sa mga hidwaan nila sa hindi batas ni Allāh, na ginawa ng mga tao, gayong inutusan na sila na tumangging sumampalataya roon. Nagnanais ang demonyo na magpalayo sa kanila sa katotohanan sa isang pagpapalayong matindi, na hindi sila napapatnubayang kasama nito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba