Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 62)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 62

فَكَيْفَ إِذَا أَصَابَتْهُمْ مُصِيبَةٌ بِمَا قَدَّمَتْ أَيْدِيهِمْ ثُمَّ جَاءُوكَ يَحْلِفُونَ بِاللَّهِ إِنْ أَرَدْنَا إِلَّا إِحْسَانًا وَتَوْفِيقًا 62 ٦٢

Kaya papaano kapag may tumama sa kanila na isang kapahamakan dahil sa ipinauna ng mga kamay nila, pagkatapos dumating sila sa iyo na nanunumpa kay Allāh: “Hindi kami nagnais maliban ng isang paggawa ng maganda at pagtutugma.” (62)

Tafsīr
Kaya papaano magiging ang kalagayan ng mga mapagpaimbabaw kapag may nangyari sa kanilang mga kapahamakan dahilan sa nagawa nila na mga pagkakasala, pagkatapos dumating sila sa iyo, O Sugo, na mga humihingi ng paumanhin sa iyo habang nanunumpa kay Allāh: "HIndi kami naglayon sa pagpapahatol namin sa iba pa sa iyo maliban ng paggawa ng maganda at pagtutugma sa pagitan ng mga naghihidwaan!" Sila ay mga sinungaling hinggil doon sapagkat tunay na ang paggawa ng maganda ay nasa pagsasahatol ng batas ni Allāh sa mga lingkod Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba