Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 62 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 62 sa 176 • Tagalog


فَكَيْفَ إِذَا أَصَابَتْهُمْ مُصِيبَةٌ بِمَا قَدَّمَتْ أَيْدِيهِمْ ثُمَّ جَاءُوكَ يَحْلِفُونَ بِاللَّهِ إِنْ أَرَدْنَا إِلَّا إِحْسَانًا وَتَوْفِيقًا 62
Pagsasalin:
Kaya papaano kapag may tumama sa kanila na isang kapahamakan dahil sa ipinauna ng mga kamay nila, pagkatapos dumating sila sa iyo na nanunumpa kay Allāh: “Hindi kami nagnais maliban ng isang paggawa ng maganda at pagtutugma.” An-Nisā’ 4:62
Tafsīr:
Kaya papaano magiging ang kalagayan ng mga mapagpaimbabaw kapag may nangyari sa kanilang mga kapahamakan dahilan sa nagawa nila na mga pagkakasala, pagkatapos dumating sila sa iyo, O Sugo, na mga humihingi ng paumanhin sa iyo habang nanunumpa kay Allāh: "HIndi kami naglayon sa pagpapahatol namin sa iba pa sa iyo maliban ng paggawa ng maganda at pagtutugma sa pagitan ng mga naghihidwaan!" Sila ay mga sinungaling hinggil doon sapagkat tunay na ang paggawa ng maganda ay nasa pagsasahatol ng batas ni Allāh sa mga lingkod Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 61 Susunod An-Nisā’ • Talata 63