Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 65)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya hindi, sumpa man sa Panginoon mo, hindi sila sumasampalataya hanggang sa nagpapahatol sila sa iyo sa anumang napagtalunan sa pagitan nila, pagkatapos hindi sila nakatatagpo sa mga sarili nila ng isang pagkaasiwa sa anumang inihusga mo at nagpapasakop sila nang isang pagpapasakop [na lubos]. (65)
Tafsīr
Kaya ang usapin ay hindi gaya ng inangkin ng mga mapagpaimbabaw na ito. Pagkatapos sumumpa si Allāh sa sarili Niya – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan – na sila ay hindi magiging mga naniniwala nang totohanan hanggang sa magpahatol sila sa Sugo sa [panahon ng] buhay nito at sa batas nito matapos ng pagyao nito kaugnay sa bawat nangyayari sa pagitan nila na salangutan. Pagkatapos nalulugod sila sa kahatulan ng Sugo at sa mga dibdib nila ay walang paninikip dahil doon ni pagdududa hinggil doon at nagpapasakop sila nang isang pagpapasakop na ganap sa pamamagitan ng pagpapaakay ng mga saloobing panlabas nila at mga saloobing panloob nila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: