Surah Al-Ḥujurāt (Ang mga Silid — الحجرات) (Talata 1)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




49 Al-Ḥujurāt(الحجرات), Talata 1

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تُقَدِّمُوا بَيْنَ يَدَيِ اللَّهِ وَرَسُولِهِ ۖ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٌ 1 ١

O mga sumampalataya, huwag kayong manguna sa harap ni Allāh at ng Sugo Niya at mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Maalam. (1)

Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa isinabatas Niya, huwag kayong mauna sa harap ni Allāh at ng Sugo Niya ng isang sasabihin o isang gagawin at mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Tunay na si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ninyo, Maalam sa mga ginagawa ninyo: walang nakalulusot sa Kanya mula sa mga iyon na anuman, at gaganti sa inyo sa mga iyon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba