Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 72)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 72

وَإِنَّ مِنْكُمْ لَمَنْ لَيُبَطِّئَنَّ فَإِنْ أَصَابَتْكُمْ مُصِيبَةٌ قَالَ قَدْ أَنْعَمَ اللَّهُ عَلَيَّ إِذْ لَمْ أَكُنْ مَعَهُمْ شَهِيدًا 72 ٧٢

Tunay na mayroon sa inyo na talagang ang magpapabagal nga [sa pakikipaglaban]. Kaya kung may tumama sa inyo na isang kapahamakan ay magsasabi siya: “Nagbiyaya nga si Allāh sa akin yayamang hindi ako naging kasama sa kanila bilang saksi.” (72)

Tafsīr
Tunay na kabilang sa inyo, O mga Muslim, ay mga taong nagbabagal-bagalan sa pagpunta sa pakikipaglaban sa mga kaaway ninyo dahil sa karuwagan nila at nagpapabagal sa iba sa kanila. Sila ay ang mga mapagpaimbabaw at ang mga mahina ang pananampalataya. Kaya kung dumanas kayo ng pagkapatay o pagkatalo, magsasabi ang isa sa kanila dala ng pagkatuwa sa pagkakaligtas nito: "Nagmabuting-loob nga si Allāh sa akin sapagkat hindi ako dumalo sa pakikipaglaban kasama sa kanila para dumapo sa akin ang dumapo sa kanila."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba