Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 72 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 72 sa 176 • Tagalog


وَإِنَّ مِنْكُمْ لَمَنْ لَيُبَطِّئَنَّ فَإِنْ أَصَابَتْكُمْ مُصِيبَةٌ قَالَ قَدْ أَنْعَمَ اللَّهُ عَلَيَّ إِذْ لَمْ أَكُنْ مَعَهُمْ شَهِيدًا 72
Pagsasalin:
Tunay na mayroon sa inyo na talagang ang magpapabagal nga [sa pakikipaglaban]. Kaya kung may tumama sa inyo na isang kapahamakan ay magsasabi siya: “Nagbiyaya nga si Allāh sa akin yayamang hindi ako naging kasama sa kanila bilang saksi.” An-Nisā’ 4:72
Tafsīr:
Tunay na kabilang sa inyo, O mga Muslim, ay mga taong nagbabagal-bagalan sa pagpunta sa pakikipaglaban sa mga kaaway ninyo dahil sa karuwagan nila at nagpapabagal sa iba sa kanila. Sila ay ang mga mapagpaimbabaw at ang mga mahina ang pananampalataya. Kaya kung dumanas kayo ng pagkapatay o pagkatalo, magsasabi ang isa sa kanila dala ng pagkatuwa sa pagkakaligtas nito: "Nagmabuting-loob nga si Allāh sa akin sapagkat hindi ako dumalo sa pakikipaglaban kasama sa kanila para dumapo sa akin ang dumapo sa kanila."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 71 Susunod An-Nisā’ • Talata 73