O mga sumampalataya, humawak kayo sa pag-iingat ninyo saka humayo kayo nang pulu-pulutong o humayo kayo nang lahatan. An-Nisā’ 4:71 ⧉
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, humawak kayo sa pag-iingat laban sa mga kaaway ninyo sa pamamagitan ng paggamit ng mga kadahilanang nakatutulong sa pakikipaglaban sa kanila saka lumisan kayo patungo sa kanila nang isang pangkat kasunod ng isang pangkat o lumisan kayo patungo sa kanila nang lahatan. Lahat ng iyon ay alinsunod sa anumang naroon ang kapakanan ninyo at anumang naroon ang kapinsalaan sa mga kaaway ninyo.