Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 74)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya makipaglaban ayon sa landas ni Allāh ang mga nagbili ng buhay na pangmundo kapalit ng Kabilang-buhay. Ang sinumang makikipaglaban ayon sa landas ni Allāh at mapapatay ito o mananaig ito ay magbibigay rito ng isang pabuyang sukdulan [sa Paraiso]. (74)
Tafsīr
Kaya makipaglaban ayon sa landas ni Allāh – upang ang Salita ni Allāh ay ang kataas-taasan – ang mga mananampalatayang tapat, na nagtinda ng buhay Mundo dala ng pag-ayaw rito kapalit ng Kabilang-buhay dala ng pagmimithi roon. Ang sinumang makikipaglaban sa landas ni Allāh – upang ang Salita Niya ay maging ang kataas-taasan – at mapapatay bilang martir o mangingibabaw sa kalaban nito at magwawagi laban doon ay magbibigay rito si Allāh ng isang gantimpalang sukdulan, ang Paraiso at ang pagkalugod ni Allāh.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: