Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 7)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ukol sa mga lalaki ay isang bahagi mula sa naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak at ukol sa mga babae ay isang bahagi mula sa naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak, na kaunti man mula roon o marami, bilang bahaging isinatungkulin. (7)
Tafsīr
Ukol sa mga lalaki ay isang parte mula sa naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak gaya ng mga kapatid at mga tiyuhin sa ama matapos ng kamatayan nila, kaunti man o marami, at ukol sa mga babae ay isang parte mula sa naiwan ng mga nabanggit na ito, bilang kasalungatan naman para sa naging lagay ng Panahon ng Kamangmangan na pagkakait sa mga babae at mga bata mula sa mamanahin. Ang bahaging ito ay karapatang nilinaw ang kantidad, na isinatungkulin mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: