Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 82)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 82

أَفَلَا يَتَدَبَّرُونَ الْقُرْآنَ ۚ وَلَوْ كَانَ مِنْ عِنْدِ غَيْرِ اللَّهِ لَوَجَدُوا فِيهِ اخْتِلَافًا كَثِيرًا 82 ٨٢

Kaya hindi ba sila nagmumuni-muni sa Qur’ān? Kung sakaling ito ay mula sa ganang iba pa kay Allāh, talaga sanang nakatagpo sila rito ng pagkakaiba-ibang marami. (82)

Tafsīr
Bakit hindi nagninilay-nilay ang mga ito sa Qur'ān at nag-aaral nito hanggang sa mapagtibay sa kanila na walang natatagpuan ditong pagkakaiba-iba ni kalituhan at hanggang sa malaman nila ang katapatan ng inihatid mo? Kung sakaling ito ay mula sa ganang iba pa kay Allāh – pagkataas-taas Siya – ay talaga sanang nakatagpo sila rito ng kalituhan sa mga patakaran nito at pagkakaiba-ibang marami sa mga kahulugan nito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba