Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 86)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 86

وَإِذَا حُيِّيتُمْ بِتَحِيَّةٍ فَحَيُّوا بِأَحْسَنَ مِنْهَا أَوْ رُدُّوهَا ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ حَسِيبًا 86 ٨٦

Kapag binati kayo ng isang pagbati ay bumati kayo ng higit na maganda kaysa roon o gumanti [man lamang] kayo roon. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay laging Mapagtuos. (86)

Tafsīr
Kapag may isang bumati sa inyo ay tumugon kayo ng pagbati sa kanya ng higit na mainam kaysa sa ipinambati niya sa inyo o tumugon kayo sa kanya ng tulad sa sinabi niya. Ang pagtugon ng higit na maganda ay higit na mainam. Tunay na si Allāh, sa bawat ginagawa ninyo, ay laging Mapag-ingat. Gaganti Siya sa bawat isa dahil sa gawa nito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba