Kapag binati kayo ng isang pagbati ay bumati kayo ng higit na maganda kaysa roon o gumanti [man lamang] kayo roon. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay laging Mapagtuos. An-Nisā’ 4:86 ⧉
Tafsīr:
Kapag may isang bumati sa inyo ay tumugon kayo ng pagbati sa kanya ng higit na mainam kaysa sa ipinambati niya sa inyo o tumugon kayo sa kanya ng tulad sa sinabi niya. Ang pagtugon ng higit na maganda ay higit na mainam. Tunay na si Allāh, sa bawat ginagawa ninyo, ay laging Mapag-ingat. Gaganti Siya sa bawat isa dahil sa gawa nito.