Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 89)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 89

وَدُّوا لَوْ تَكْفُرُونَ كَمَا كَفَرُوا فَتَكُونُونَ سَوَاءً ۖ فَلَا تَتَّخِذُوا مِنْهُمْ أَوْلِيَاءَ حَتَّىٰ يُهَاجِرُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ ۚ فَإِنْ تَوَلَّوْا فَخُذُوهُمْ وَاقْتُلُوهُمْ حَيْثُ وَجَدْتُمُوهُمْ ۖ وَلَا تَتَّخِذُوا مِنْهُمْ وَلِيًّا وَلَا نَصِيرًا 89 ٨٩

Nag-asam sila na kung sana tumatanggi kayong sumampalataya kung paanong tumanggi silang sumampalataya kaya kayo ay magiging magkatulad. Kaya huwag kayong gumawa mula sa kanila ng mga katangkilik hanggang sa lumilikas sila [mula sa Shirk tungo sa Islām] ayon sa landas ni Allāh. Kaya kung tumalikod sila ay kunin ninyo sila, patayin ninyo sila saanman ninyo sila matagpuan, at huwag kayong gumawa mula sa kanila ng isang katangkilik ni ng isang mapag-adya, (89)

Tafsīr
Nagmimithi ang mga mapagpaimbabaw na kung sana tumatanggi kayong sumampalataya sa pinababa sa inyo kung paanong tumanggi silang sumampalataya kaya kayo ay magiging mga pumapantay sa kanila sa kawalang-pananampalataya. Kaya huwag kayong gumawa mula sa kanila ng mga katangkilik dahil sa pangangaway nila hanggang sa lumikas sila ayon sa landas ni Allāh mula sa tahanan ng Shirk tungo sa bayan ng Islām bilang pagpapatunay sa pananampalataya nila. Ngunit kung umayaw sila at nagpatuloy sila sa kalagayan nila ay daklutin ninyo sila, patayin ninyo sila saanman ninyo sila matagpuan. Huwag kayong gumawa mula sa kanila ng isang katangkilik na makikipagtangkilikan sa inyo sa mga nauukol sa inyo ni ng isang mapag-adya na tutulong sa inyo laban sa mga kaaway ninyo,

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba