Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 89 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 89 sa 176 • Tagalog


وَدُّوا لَوْ تَكْفُرُونَ كَمَا كَفَرُوا فَتَكُونُونَ سَوَاءً ۖ فَلَا تَتَّخِذُوا مِنْهُمْ أَوْلِيَاءَ حَتَّىٰ يُهَاجِرُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ ۚ فَإِنْ تَوَلَّوْا فَخُذُوهُمْ وَاقْتُلُوهُمْ حَيْثُ وَجَدْتُمُوهُمْ ۖ وَلَا تَتَّخِذُوا مِنْهُمْ وَلِيًّا وَلَا نَصِيرًا 89
Pagsasalin:
Nag-asam sila na kung sana tumatanggi kayong sumampalataya kung paanong tumanggi silang sumampalataya kaya kayo ay magiging magkatulad. Kaya huwag kayong gumawa mula sa kanila ng mga katangkilik hanggang sa lumilikas sila [mula sa Shirk tungo sa Islām] ayon sa landas ni Allāh. Kaya kung tumalikod sila ay kunin ninyo sila, patayin ninyo sila saanman ninyo sila matagpuan, at huwag kayong gumawa mula sa kanila ng isang katangkilik ni ng isang mapag-adya, An-Nisā’ 4:89
Tafsīr:
Nagmimithi ang mga mapagpaimbabaw na kung sana tumatanggi kayong sumampalataya sa pinababa sa inyo kung paanong tumanggi silang sumampalataya kaya kayo ay magiging mga pumapantay sa kanila sa kawalang-pananampalataya. Kaya huwag kayong gumawa mula sa kanila ng mga katangkilik dahil sa pangangaway nila hanggang sa lumikas sila ayon sa landas ni Allāh mula sa tahanan ng Shirk tungo sa bayan ng Islām bilang pagpapatunay sa pananampalataya nila. Ngunit kung umayaw sila at nagpatuloy sila sa kalagayan nila ay daklutin ninyo sila, patayin ninyo sila saanman ninyo sila matagpuan. Huwag kayong gumawa mula sa kanila ng isang katangkilik na makikipagtangkilikan sa inyo sa mga nauukol sa inyo ni ng isang mapag-adya na tutulong sa inyo laban sa mga kaaway ninyo,
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 88 Susunod An-Nisā’ • Talata 90